Ang pangarap lang ni Dang ay matagpuan ang kanyang Prince Charming, at ni sa panaginip ay hindi niya inasahang mapapasuot siya sa gulo.
Ngunit dahil din sa gulong iyon ay natagpuan niya ang lalaking nang lalangin yata ng Diyos ay nilagyan ng tatak na Limited Edition. Tall, dark, and devastatingly handsome. Si Dominador.
Im no hero. Heroes die. Iyan ang prinsipyo ni Domeng. Anot ngayon at susuungin niya ang panganib mailigtas lamang ang babaeng hindi niya maipaliwanag kung paanong napatibok ang kanyang puso!
Have no fear, my love, Domeng is here! aniya at daig pa ang sinapian ni Rambo at ni Andres Bonifacio. Hindi a-takbo, kahit a-putol a-ulo!