Im so glad I found you. Siguradong-sigurado na ako na ikaw lang talaga ang para sa akin.
Fresh from her broken engagement, tinanggap ni Shannon ang offer sa kanyang trabaho sa Hacienda Ricamora bilang nurse/tutor ng batang si Isabelle. Upang mag-unwind, she said to herself; at para na rin pansamantala ay iwaglit sa isip niya si Keith.
Pero pagyapak pa lang ni Shannon sa San Benito, things didnt look so promising at all. Pinaghintay siya ng kanyang sundo sa terminaland she was starved. At nang sa wakas ay dumating ang driver ng mga Ricamora, saksakan pa iyon ng bastos at suplado.
Ngunit paglaon ay madidiskubre ni Shannon na hindi naman pala ito family driver kundi si Nicolas Ricamora mismo, ang aroganteng tiyuhin ni Isabelle.