“Just love me now and I will court you forever.”
Super-duper idol ni Sanibabe si Kleven Cruz. Pero dahil may love interest in real life na ang lalaki, humiling na lang siya sa wishing fountain na sana ay may kakambal si Kleven at ibigay ito sa kanya.
Pinagbigyan naman ang hiling niya dahil biglang lumitaw ang lalaking kamukhang-kamukha ni Kleven.
Isang himala!
“Maraming-maraming salamat po, Lord. Promise po, magpapakabait na po ako. Hindi ko na rin po aawayin ang mga babaeng kung makaangkin kay Kleven my love ay wagas na wagas. Hindi ko na rin po lalaitin nang bonggacious ang mga guy hater ni Kleven. Kakaibiganin ko na rin po ang mga karibal fans ko kay Kleven. Maraming salamat po talaga.”
Pero sino ang lalaking kamukhang-kamukha ni Kleven?