He doesnt deserve you. Bakit siya? Bakit hindi puwedeng ako?
Barbie. Iyon ang karakter na gustong gampanang muli ni Genie mula nang bumalik sa kanilang bayan ang dating nobyo na si Ken. Pero may kasalukuyang Barbie pa si Kensi Sweet. Balak na sana ni Genie na isuko ang binata sa kasintahan nito hanggang sa malaman niya ang sekreto ni Sweet. Dahil sa sekretong nalaman, gumawa ng paraan si Genie para muling mabawi ang binata.
Hard-to-get si Ken kaya naman nag-isip ng matinding plano si Genie. At ang matinding plano na kanyang naisip ay nangangailangan ng sidekick. Dumating ang sidekick niya sa katauhan ng isang bagets na ubod ng landi at taglay ang pinakamainam na hot dogsi Ravenn.
On progress na sana ang kanyang Mission: Kenpossible kung hindi lang biglang umeksena si Ravenn at umakto na parang bida. Bigla ay ayaw na niyang maging si Barbie. Kontento na siya sa pagiging si Genie.
Time to abort Mission: Kenpossible na ba?