"Ang ganda mo pala. Sana `di na lang natin pinanindigan ang pagiging magkapatid natin."
May gustong-gustong sapatos si Suzy. Madali lang sana niyang makukuha iyon kung for sale ang sapatos, kaso hindi. Premyo para sa isang contest ang sapatos. Ano ang mechanics? Simple lang. Magsama ng kapatid at nanalo sa isang game.
Pero walang kapatid si Suzy. Kaya naisip niyang hilahin si Kyleang lalaking bumato sa kanya ng lata ng soft drinksat pagpanggaping kapatid niya bilang ganti sa pananakit nito.
Nanalo naman sina Suzy at Kyle sa game at natalo nila ang teacher ni Suzy na sumali rin pala sa game. Doon nagsimula ang problema dahil biglang sinabi ng kanyang teacher na simula bukas, kaklase na niya si Kyle, ang sikat na member ng grupong Flower Boy sa kanilang school.
Oh, well, mukhang iyon pa lang ang simula ng tunay na kuwento nila. Makaya kayang panindigan ni Suzy na magkapatid talaga sila ni Kyle kahit awesome-slash-hot-slash-guwapo-slash-perfect and lalaking ito?