I like watching you eat, write, read, breathe, talk to yourself I just love loving you.
Speechless si Cee-Cee nang makipaghiwalay sa kanya ang fianc niyang si Kraige kung kailan malapit na silang ikasal. In love daw ito sa best friend nitong si Cleo. Matatanggap sana niya kung sariling desisyon nito ang pakikipaghiwalay sa kanya. Pero hindi. Malakas ang kutob niyang nabuyo lang ito ng mga kaibigan. His friends didnt like her because they wanted Cleo for him.
Pero dahil wala naman siyang laban sa mga kaibigan ni Kraige, nagpakalayo-layo siya pansamantala. Sa kanyang pagbabalik sa dating buhay niya ay nakilala niya si Strike, ang presidente ng paborito niyang fast-food chain. Mabait ito sa kanya kaya naging mabuting magkaibigan sila. Sa sobrang close nila, mabilis na nahulog ang loob niya rito. Pero kung gaano siya kabilis na umibig dito ay ganoon din siya kabilis na nasaktan nang malaman niya ang dahilan ng biglaang pagsulpot nito sa buhay niya.