“Bakit mo ako mamahalin kung sarili ko `di ko kayang mahalin? So I improved myself. Siguro kapag mahal ko na ang sarili ko, mamahalin mo rin ako.”
Pangarap ng pamilya ni Quinn na siya ang maging susunod na Miss Universe. Pero wala iyon sa plano niya. Ang tanging kaligayahan ni Quinn ay kumain ng masasarap, mga pagkain na isinusumpa ng mga kamag-anak niyang beauty queen.
Kaya naman nang alukin siya ni Chance ng isang deal na bibigyan siya ng lahat ng pagkaing gusto niya nang patago kung ilalapit niya ito sa antipatikang pinsang si Cindy, tinanggap niya kahit na mababasted din ang lalaki sa huli.
Pero habang sinasaktan ni Cindy si Chance, si Quinn din ang nasasaktan. At nahiling niya na sana ay siya na lang ang gusto ng lalaki. Pero kaya ba siyang mahalin ni Chance?