Huwag mo na munang isipin ang ibang tao. Ang importante ngayon ay tayong dalawa, ano naman kung hindi tayo maintindihan ng iba? Mahal mo ako at mahal kita, bahala na sila.
Pagkatapos mag-resign ni Eunice sa trabaho ay kinailangan niyang bumalik sa Alfonso dahil ikakasal na ang kanyang kapatid. Kung hindi niya lang nami-miss ang kinikilalang mga magulang ay nunca na bumalik pa siya sa Alfonso. Hindi naman kasi nakakatuwang masaksihan ang kasal ng kapatid at ng ex-boyfriend niya. Ngunit para mapatunayan sa sariling naka-move on na siya at hindi na bitter ay nagtungo pa rin siya sa Alfonso.
That place brought back her nightmares, her pain, her first heartbreak. Ngunit sa lugar na iyon ay nakatagpo si Eunice ng bagong kaibigan, sa katauhan ni Billy. Si Billy ang stepbrother ng ex-boyfriend niya. After five long years, her heart functioned again.
Ngunit bago pa sila magkaroon ng matinong usapan ni Billy ay heto na naman ang ex-boyfriend niya, sinasabi sa kanyang mahal pa rin siya. Nagawa pa nitong ikansela ang kasal sa kapatid niya. Gumulo na naman ang mundo ni Eunice. Sa gitna ng kaguluhan ay napaisip siya: Sino ba talaga sa dalawa ang karapat-dapat na leading man sa love story niya?