Sana laging mag-uumpisa at magtatapos ang isang araw na magkasama tayo. Ang sarap sa pakiramdam. Walang kulang sa pagkatao ko.
Mula pagkabata ay kaibigan na ni Riegette si Jarviskahit madalas silang hindi magkasundo, kahit mayaman ito at anak lang siya ng isang katulong.
Isang araw, natuklasan na lamang nilang mahal na nila ang isat isahigit pa sa pagmamahal-kaibigan.
Ang akala niya ay magiging maayos ang relasyon nila. Pero katulad ng inaasahan, hindi sumang-ayon ang lahat sa relasyon na iyon.
Niyaya siyang magtanan ni Jarvis.
Ang akala niya, matatakasan nila ang lahat ng balakid sa relasyon nila. Pero bumalik din sila pagkaraan ng ilang araw dahil nais nilang kunin ang approval ng lahat. Sa bandang huli, kinailangang lumayo ni Jarvis sa kanya.
Pagbalik nito sa buhay niya pagkalipas ng maraming taon, limot na siya nito. Literal na nalimot nito ang lahat ng mga pinagdaanan nila, ang pagmamahalan nila, ang lahat ng mga pangakodahil sa amnesia.
Bumalik man ang alaala nito ay tila wala na ring saysay. Siya ay pag-aari na ng iba, at ito man ay may fiance na rin