Huwag mong lagyan ng tuldok ang kahit anong usaping-pag-ibig. Dahil madalas, nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin inakalang magagawa pala natin dahil sa pag-ibig.
Nasa isang bookstore si Erica at naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya para itaboy ang stalker niyang boss. Isang matangkad at guwapong binata ang namataan niya. Para mas maging makatotohanan ang lahat, hinalikan niya ito sa mga labi!
Nakakakilig ang eksena. But not to the handsome stranger. Hiningan pa nga siya nito ng talent fee para sa ginawa nitong pagpapanggap!
Ang akala niya ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pero sa bagong trabaho niya sa isang modeling agency bilang all-around girl, nagkita uli sila. Ito pala si Zander Uijleman, ang number one male supermodel sa Pilipinas at Asya.
Working close to him gave her the chance to see the human side of Zander. As she did, she found herself falling for him.
An ordinary girl falling for a famous celebit was like a plot from a romance film. May naghihintay bang happy ending para sa kanila katulad ng sa pelikula?