"I shouldn't have kissed you. But I couldn't help myself. Or we can blame it to the moon. To hell with the moonlight!"
Awtomatikong tumayo siya at sinalat ng likod ng palad ang noo nito. "You should be in bed. Mainit ka."
May-pagkasarkastiko ang ngiti ni Luis nang tumingala sa kanya. "I Might consider your sugeestion if you'll join me in bed."
Tumiim ang anyo niya. At humakbang paatras upang magkaroon sila ng distansya sa isa't-isa.
"I'm serious, Luis. Hindi imposibleng pulmonya ang abutin mo."
"Seryoso rin ako, Sarah. Come to be bed with me. You could do wonders for my health." Walang ekspresyon sa mukha ni Luis subalit nasa tono nito ang sarkasmo.
Bumuntunghininga siya. At saka mariing pinaglapat ang mga labi.
Si Luis pa ba ang magpapasariwa sa mga sugat na naiwan sa puso niya?