“Hindi nagdaan sa isip ko ang mag-alinlangang isuko ang lahat ng mayroon ako upang maipaglaban ka.”
Hindi matanggap ni Ossy na ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi pa niya nakikita sa tanang buhay kaya naglayas siya. Hindi inaasahang sa mismong pagtatago niya ay makakaharap si Kaede, ang lalaking nakatakdang pakasalan niya, at iibigin. Nakilala ni Kaede si Ossy sa ibang katauhan at minahal din siya nito. Katunayan, handa raw nitong talikuran ang utos ng pamilyang pakasalan ang babaeng hindi nito kilala para sa kanya.
Paano sasabihin ni Ossy na siya mismo ang nakatakdang pakasalan ni Kaede nang hindi nito iisiping pinaglaruan niya ang damdamin ng lalaki?