I told you, I dont care about your past. Mahal kita at iyon ang mahalaga.
Dahil sa pagkakasangkot ni Snow at ang ex-boyfriend niyang si Paul sa isang eskandalo ay kinailangan niya ng isang lugar kung saan siya matatahimik at makakapagpahinga.
Natagpuan naman niya ang hinahanap na katahimikan sa Happy FM kung saan isa siyang resident DJ. And she was grateful that the Happy Boys were there to help her, especially Fyfe.
Inalok si Snow ni Fyfe na magpanggap sila bilang magnobyo para tigilan na ng mga press ang pagli-link sa kanya kay Paul. Fyfe has always been her hero. Naging kaibigan niya ito, sandigan, at kakampi. Hanggang sa unti-unti ay naramdaman niya ang muling pagtibok ng kanyang puso. Pero minsan na siyang naniwala sa pangako ng pag-ibig at nagawa niyang talikuran ang lahat para doon. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung kaya pa ba niyang ipagkatiwala ang puso sa iba.