Just to have her in my arms even for the shortest time will be enough to last me a lifetime.
Six years ago, PeeCee would say he was Cinderellas boy version. Nang pumanaw ang kanyang ama ay napilitan siyang pakisamahan ang stepmother at stepsiblings niya na malalamig ang trato sa kanya. He also fell in love with Chiya then, his princess. But his stepbrother, Jaycee, also loved her. Wala siyang nagawa noon nang makialam ang stepmother niya.Kailangan niyang iwan si Chiya.
But that was six years ago. Mula sa pagiging boy version ng Cinderella ay naging prinsipe na si PeeCee. It was as if the clock turned counterclockwise when he saw Chiya again. Nagbalik ang dating pagmamahal ni PeeCee kay Chiya at desidido siyang ibalik din ang dati nitong pagmamahal sa kanya. Pero tumanggi na itong maging prinsesa niya. Hindi niya masisisi si Chiya. Tinalikuran niya ang lahat ng pangako niya sa dalaga nang hindi nito nalalaman ang dahilan.