Nasa Palawan ang college buddies na sina Shanna at Salus upang magbakasyon. Bago pa man sila pumunta roon ay napapansin na ni Shanna ang sweetness ni Salus. Ngunit nang makita nito ang elementary-high school best friend nito na si Joana ay biglang nanlamig si Salus sa kanya.
Nagkaroon sila ng komprontasyon. Salus admitted that the change was brought about by his past which resurfaced when he saw Joana. Takot sumubok si Salus dahil ayaw nitong maulit sa kanila ang nangyari dito at sa best friend nito noon. Pinilit ni Shanna na intindihin ito kaya dumistansiya na muna siya. Ang hindi niya maintindihan at higit niyang ikinaiinis ay ang iniaakto nito ngayong sinusubukan niyang mag-entertain ng manliligaw.
Saan nga ba hahantong ang kanilang pagkakaibigan at naudlot na pagkaka-ibigan?