Love wasnt the reason why I married you, but that is the reason why Im gonna spend the rest of my life with you.
Mula pagkabata ay laging ang pinsan niyang si Eleonor ang bida sa paningin ng nakararami, kahit sa sariling mga magulang ni Cha-cha. Maganda, matalino, at kung ano-ano pang papuring iniuukol dito. At tuwinay walang ginawa si Cha-cha kundi ang lihim na makipagkompetensiya sa pinsan. Kaya naman nang ianunsiyo ni Eleonor na magpapakasal ito ay nagdesisyon si Cha-cha na unahan at higitan ang kasal ng pinsan.
Ang problema, wala siyang boyfriend ngunit mayroong best friend, si Pepito Magsalin III. Gumawa siya ng paraan upang mapaniwala ang lalaki na dapat siyang pakasalan. Sa madaling-salita ay pinikot ni Cha-cha ang sariling kaibigan. Ang tanong, saan siya pupulutin pagkatapos ng engrandeng kasalan sa sandaling malaman ng a la Michael J. Fox niyang best friend ang kanyang ginawa?