Tiniis ni Airabelle ang hindi magandang pakikitungo ni Linkurt sa kanya dahil sa utang-na-loob niya sa ama nito at dahil sa lihim ng pagtingin niya rito. Mga bata pa lamang sila ay inis na ito sa kanya.
Pero nang bumalik ito mula sa ibang bansa ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Nagkaroon tuloy siya ng pag-asang mamahalin din siya nito. Kaagad ding nawala ang pag-asang iyon nang makita niyang tila nagkakamabutihan na ito at ang babaeng noon pa ay hayagan nang nagpapakita ng pagkagusto rito.
Aasa pa ba siyang mapasakanya ang lalaking inalagaan niya sa kanyang puso sa napakahabang panahon.?