I can be whoever you want. Puwede mo akong gawing alarm clock, kusinero, alalay, tagalaba, taga-cheer, gawin mo ang lahat ng gusto mo sa `kin. Maliban lang sa maging kaibigan mo.
Nang minsang iligtas ni Cresia si Muymuy sa mga bading na bully, idineklara na niya ang sarili na tagapagtanggol ng batang lalaki. After many years, hindi na sila mga bata at nagkaroon na ng muscles si Muymuy pero bine-baby pa rin niya ito.
Nang minsang palayasin si Cresia ng kanyang kasera, wala siyang choice kundi ang makitira sa apartment ni Muymuy. At doon, unti-unting nagbago ang damdamin niya para sa kaibigan. Pero pilit niyang iwinaksi ang damdaming iyon at sinabi kay Muymuy na ang dream man niya ay ang pinsan nito na brusko at lalaking-lalaki. Iyong naka-boxers kapag natutulog, hindi pajamas na tulad ng suot ni Muymuy.
For some reason, mukhang napikon si Muymuy dahil bigla itong rumampa sa harap niya nang naka-boxers! Paano pa niya mare-resist ang charm nito?