“Kapag napasaya ko na uli ang puso mo, hayaan mong pakasalan kita. Hindi ko na kakayaning mabuhay na wala ka sa tabi ko.”
Parang kapatid ang turing ni Fredrik kay Ethel. Naging sandalan nila ang isa’t isa nang mamatay ang kanya-kanyang mga magulang.
Pero nagkaroon ng problema. Isang gabi ay bigla na lang nagising si Fredrik sa isang realisasyon na umiibig na pala siya kay Ethel. Dahil doon, napilitan siyang umiwas dito. Nangibang-bansa siya.
Ngunit hindi siya nagtagumpay na kalimutan ang dalaga. Binalikan niya ito sa Pilipinas at nagtapat ng pag-ibig dito. Tinugon naman nito iyon ngunit sumingit sa eksena si Roger Aragon—ang kapatid niya sa ama.
Kaya ba niyang lumayo uli kay Ethel upang ipagparaya ito sa kanyang kapatid?