“I can’t live without you,I realized that. Or if I do manage to live, it would be a life devoid of color and happiness. Dahil ikaw ang nagbibigay-kulay at kaligayahan sa mundo ko.”
Isang achiever ang dalagang si Milan. Pero kahit yata anong parangal ang makuha niya ay bale-wala lang sa mga magulang, lalo na sa kanyang ama. Nagising na lang tuloy siya isang umaga na treinta y dos anyos na siya pero walang kalatoy-latoy ang kanyang mga karanasan.
Naisipan niyang lapitan ang isang dating kakilala, si Devon. Total opposite niya ang lalaki. Kung siya ay seryoso sa buhay, ito ay mukhang mas inaatupag ang pagsasaya. Pero dahil din doon kaya ito ang perpektong hingan ng tulong para mabura ang pakiramdam niya na napaglilipasan na siya ng panahon na walang excitement na nararanasan.
Ang problema lang, sobrang charming ni Devon. Kahit tuloy nakatatak na sa isip ni Milan na direktang kabaligtaran ito ng hinahanap niyang makakapareha sa buhay ay hindi niya maiwasan na ma-attract sa lalaki. Atraksiyon na agad nauwi sa mas malalim na damdamin.
She should have expected that in Devon’s hands she would experience her first major heartbreak.