Her smile touched his soul deeply. And he suddenly realized he would do anything and everything just to see that beautiful smile everyday of his life.
Ang kagustuhan lang naman ni Mayumi ay ang makaganti sa first love niya. Kaya pinakiusapan niya ang kanyang best friend para makitira sa rest house ng mga ito sa Tagaytay. Malapit kasi roon ang pinagkukutaan ng talipandas na lalaki kasama ang life partner nito. Ngunit nang makarating siya sa rest house ay isang malaking salot ang agad na sumalubong sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Dandrebher best friends evil brother.
Agad siyang pinatuloy ni Dandreb sa bahay-bakasyunan ng pamilya nito. Wala namang problema roon. Ang kaso, nalaman niya na makakasama pala niya ito. Kaya buong giting na tinanggihan ni Mayumi ang alok ni Dandreb. Hindi sila closein fact, she considered him as her mortal enemy. Pero binigyan nito ng luntiang-kulay ang pagtanggi niya. Pinagbintangan siya nitong may lihim na pagnanasa rito! At dahil sa pride, nakita na lang ni Mayumi ang sarili na pumapayag at nananatili sa pamamahay ni Dandreb. And she realized, that was the greatest mistake she had ever done in her entire life. Dahil hindi lang nasira ang plano niyang paghigantihan ang first love niya, na-in love pa siya sa mortal na kaaway niya!