Huwag kang ngumiti nang ganyan. Baka isipin kong mahal mo na ako, sige ka.
Noong bata pa si Sherylkasama ang best friends niya na sina Nicole at Rowienag-wish sila sa pinaniniwalaang puno ng ghost lovers sa Mirasipol. Ayon sa mga paniniwala sa isla, natutupad ang kahilingan ng sino mang mag-wish sa puno kapag full moon.
Pagkalipas ng maraming taon, tila natupad nga ang wish ni Sheryl na makilala ang kanyang Robin Hood sa katauhan ni Rovin Jaydell Hood. Iyon nga lang, malayong-malayo si Rovin sa imahen ng isang hero sa isip niya. Gigolo, flirt, at dakilang playboy ang impresyon niya kay Rovin. Gayunman, walang tigil ito sa pagpapa-cute sa kanya.
Habang nagtatagal at napapalapit siya kay Rovin ay nakikilala niya ito nang lubusan. Totoo nga yatang sa kabila ng hindi magandang impresyon niya rito ay mayroon itong busilak na puso.
Tama ba na mahulog siya sa katulad nito, o nadadala lang siya ng epekto ng full moon kaya para siyang baliw na tinatablan ng charm ni Robin Hood?