“Ibigay mo sana sa akin ang sandaling lumigaya sa piling mo. Alam kong masyadong malaki itong hinihiling ko ngunit sana ay mapagbigyan mo ang itinitibok ng puso ko…”
Tatlong beses nang nabigo sa pag-ibig si Freya. Para sa kanya, imposible nang makahanap siya ng lalaking totoong magmamahal sa kanya. Hindi na niya gustong mag-invest uli ng damdamin sa isang lalaking sasaktan lang siya sa huli. Kaya naman nang ilatag ng kanyang mga magulang ang arranged marriage sa isang lalaking pasado naman sa kanyang panlasa ay pumayag siya.
She thought that her life would be okay after that.
Ngunit ginulo ng best friend niyang si Charlie ang kanyang desisyon. Bigla na lang kasi itong nag-propose na maging magkasintahan sila sa loob ng isang buwan para tulungan ang isa’t isa—si Charlie para maibalik ang self-confidence dahil sa pang-iiwan ng mga dating nobya at si Freya para maturuan ang sariling magtiwala uli sa pag-ibig.
Before she knew it, she was already going along with his plan. Hindi niya akalaing hindi lang confidence ang maibabalik ni Charlie sa kanya kundi maging ang pag-ibig na kailanman ay ayaw na sana niyang maramdaman. Yes, she fell in love with Charlie.
Ngunit may isang problema. Ikakasal na nga pala siya.