ANG PANGALAN KO AY KATNISS EVERDEEN. BAKIT BUHAY AKO? DAPAT AY PATAY NA AKO.
Si Katniss Everdeen, ang babaeng nag-aapoy, ay nanatiling buhay, kahit pa nawasak ang kanyang tahanan. Nakatakas si Gale. Ang pamilya ni Katniss ay ligtas. Nahuli ng Kapitolyo si Peeta. Totoong mayroong District Thirteen. May mga naghihimagsik. May mga bagong namumuno. Isang himagsikan ang kasalukuyang nabubunyag.
Sinadyang sagipin si Katniss mula sa arena sa malupit at hindi malilimutang Quarter Quell, at sadyang matagal na siyang bahagi ng rebolusyon nang hindi niya nalalaman. Lumantad ang District Thirteen at nakikipagsabwatan na pabagsakin ang Kapitolyo. Tila lahat ay may kinalaman sa maingat na pagpaplanomaliban kay Katniss.
Ang ipagtatagumpay ng himagsikan ay nakasalalay sa pagkukusa ni Katniss na magpagamit sa pagpapatupad ng kanilang mithiin, na akuin ang responsibilidad para sa hindi mabilang na buhay, at baguhin ang daan patungo sa hinaharap ng Panem. Para magawa ang mga iyon, kailangan niyang isantabi ang kanyang nararamdamang galit at kawalan ng tiwala. Kailangan niyang maging ang Mockingjay ng mga naghihimagsikkahit ano pa ang maging personal na kabayaran niyon.