Dahil I love you. Period. Ang baduy pakinggan, pero I love you.
Nasa high school na si Cattleya nang tanungin niyang muli si Santi kung puwede na niyang maging boyfriend ang lalaki.
Bakit, unat na ba ang buhok mo? tanong nito sa kanya.
Bata pa si Cattleya ay si Santi na ang gusto niyang maging nobyo. Na kung papalarin ay maging asawa na rin niya. Magkasing-edad sila.
Pulos pambabale-wala ang natamo niya sa pagpapapansin dito. Ngunit kahit ganoon ay ito pa rin ang kanyang mahal. Nasasaktan man ang puso niya ay okay lang sa kanya.
Hanggang sa napili si Cattleya bilang kandidata ng kanilang barangay. At pinalad siyang mapanalunan ang titulo. Unti-unti na siyang napansin ni Santi.
Hinamon siya nito ng one-on-one. Sumang-ayon siya na hindi alam kung ano ang kahihinatnan niyon.
Mahulog din kaya ang loob ni Santi sa kanya? Boto ang mga magulang nito sa kanya. Eh, ang puso kaya nito, boto sa kanya? Hanggang kailan maghihintay si Cattleya at aasang mamahalin din ni Santi?