Alam ni Mirui na iniiwasan siya ni Theron, ang hindi nga lang niya maintindihan ay kung bakit. Heck! Ni hindi nga sila close. Minsan silang nagkaroon ng short encounter pero parang bampirang nasinagan ng araw na kumaripas agad ito ng takbo. At hindi na niya iyon mapapatagal pa. Kailangan niyang malaman kung bakit ganoon kung tratuhin siya ng lalaki.
Mabuti na lang at kakampi yata ni Mirui ang tadhana dahil mukhang umepekto ang ginawa niyang pagkompronta kay Theron. Paunti-unti ay nabuo ang kanilang pagkakaibigan, kasabay ng isang damdaming nabuhay sa kanyang puso na ayaw na niyang pangalanan.
Nagkakapag-asa na si Mirui na pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa nang bigla ay muling nanlamig si Theron. Pilit man niya itong kausapin ay wala siyang makuhang matinong sagot. Ayaw tanggapin ni Mirui, pero parang kung paano unti-unting nabuo ang kanilang pagkakaibigan ay ganoon din iyon nawala. Mukhang babalik din pala ang lahat sa dati... sa mga panahong tila hindi siya kakilala ni Theron.