"Minsan lang kasi ako kung magmahal. At alam ko, that love will be forever!"
Humakbarig si Chelsea upang makilala ang panauhing iyon ni Lorenz. Laking gulat niya nang makilala ang mukhang iyon. Si Bernard!
Bumilis ang puntig ng puso niya. Lalong kumisig ang binata. Ilang taon nga ba ito sa Italy? Tiyak niya sa sariling hindi nagbago ang lihim niyang pag-ibig dito. Minsan lang siyang umibig. At ang minsang iyon ay hanggang kailanman...
Sumilay ang ngiti nitong kinabaliwan niya noon. "Hi, Chelsea! You are even prettier now." Pati pananalita nito, nagbago na rin. Wala na ang Bernard na shy and unsure. May bahid na ng awtoridad sa kilos nito.
"T-thankyou."
"Really, there's no place like home. Nothing as pretty as the face whose eyes are staring at me right now..."
Siya ang parang malulunod sa mga mata nito. Nagsimula siyang umasam na sana'y may pag-asang madugtungan ang kanilang kahapon. I love you, Bernard! desperadang sigaw ng puso niya.