“Kilala ko ang boses mo dahil hindi ko `yan matakasan. Kilala ko ang haplos mo dahil napapanaginipan ko `yan. Kilala ko ang amoy mo, ang boses mo, ang lakad mo.” Buong buhay ni Gabrielle ay naging sunod-sunuran siya sa gusto ng kanyang ama. Umaasa siyang sa pamamagitan niyon ay mamahalin siya nito kahit kaunti. Ngunit sa halip na pagmamahal ang matanggap, ipinakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kay Luke Garnet. Sa umpisa pa lang ay malinaw na kay Gabrielle na katulad ng kanyang ama si Luke—na tuluyan niyang maiwawala ang katauhan kapag nagsama na sila bilang mag-asawa. Kaya nagdesisyon siyang takasan si Luke. Magsisimula siya ng bagong buhay nang malaya. Ngunit nasundan siya ni Luke at pinarusahan sa kanyang pagtakas—sa pamamagitan ng halik na bumago sa lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Natagpuan na lang ni Gabrielle ang sariling umiibig sa asawa. Pero bukod sa walang tiwala sa kanya si Luke, hindi niya rin makukuha ang puso nito…