Damn it! Mababaliw yata ako kapag hindi ko siya nakita.
Naging uneasy si Princess sa unang paghaharap nila ni Romano Perez. Ang sumunod na nadama niya ay takottakot na mabilang siya sa mga babaeng nahuhumaling dito.
Hindi madaling iwasan si Romano kapag nagpakita na ito ng interes sa babae. Isa itong sikat na concert pianistrich, intelligent and very attractive. Sinong babae ang makatatanggi kapag napagtuunan na ng pansin nito?
At higit pa roon ang nakamit ni Princess. Pakakasalan siya ni Romano. And she accepted his proposal despite his mothers intense dislike for her.
Ngunit tatlong araw bago sumapit ang kanilang kasal, tila gusto na niyang umurong kahit naisuko na niya ang sarili rito