Mga Premyadong Kuwentong Pambata - Og Uhog
Kuwento ni Christine S. Bellen-Ang
Guhit ni John Ronnel Popa
Parang yo-yo ang uhog ni Og.
Tataas sa kanan, bababa sa kaliwa.
Walang panahon sa pagsinga ang batang si Og.
Ano kaya ang mangyayari kapag umagos ang kaniyang uhog na tila rumaragasang ilog?
Alamin sa nakakatatawang kuwentong ito ni Christine S. Bellen-Ang na lalong pinatingkad ng mapaglarong ilustrasyon ni John Ronnel Popa. Nagwagi ang kuwentong ito ng Honorable Mention sa PBBY-Salanga Writer's Prize noong 2002 at naging Finalist sa National Book Awards noong 2003.
Pages: 32
Dimensions: 23 x 21 x 1 cm