Samakatuwid, `yon ang trabaho ko? Sisipingan kita sa halagang beinte-mil?
Siya raw ang karapat-dapat na magmana ng kapangyarihang-itim ni Lola Rustica. Wala siyang balak maging full-pledged mambabarang kaya nagkandakumahog si Marquetta na ma-devirginize. Naniniwala siya na kapag nangyari iyon, hindi kakapit sa kanya ang kapangyarihan.
Lalaki lang naman ang kailangan, how hard can it be?
Very hard. Ang lalaking napisil niyang pag-alayan ng pribilehiyo, tumanggi. Ayon kay Gallan, hindi nito magagawang samantalahin ang isang babaeng malinaw na wala sa katinuan.
Umupo na lang daw siya sa pako.