Simula pa lang ng kanilang relasyon, nilinaw na ni Warren kay Sheilo na ayaw nito ng komplikasyon. Kaya siya pinag-iingat na huwag mabuntis.
Nang malaman ni Sheilo na buntis siya, hindi na niya hinintay kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki, kusa na siyang lumayo.
Five years later, muli silang nagkita.
Si Warren, mas guwapo at makisig kaysa dati. At naroon pa rin ang pang-akit na lalaki na minsa'y humalina kay Sheilo.
Ngunit hindi iyon ang higit na kinatatakutan ni Sheilo. Ayaw niyang malaman ni Warren ang tungkol kay Shana. Sa kanilang anak. Ngunit paano niya itatago ito gayong nasasangkot sa malaking kontrobersiya ang bata?