"Excuse me,' anang isang baritonong boses.
"Sandali lang hi," sabi ni Sheilo. Pilit na isinisiksik ang travelling bag sa overhead compartment ng eroplano. Nahiling na sana ay tumangkad pa siya nang kahit kaunti lang.
Ganoon na lang ang gulat niya nang maramdamang may humawak sa kanyang baywang, binuhat siya at parang bagaheng itinabi.
"Nakaharang ka sa daan," anang lalaki at ito na ang naglagay ng kanyang bag sa compartment.
She was furious. Lalo na nang makita ang amusement sa mukha ng mga kapwa pasahero.
Nagkataon na magkatabi pa sila ng lalaki sa upuan. Sa buong oras ng biyahe'y inisnab-isnab ito ni Sheilo.
Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang pagpasok sa opisina ay makita ang lalaki na nakaupo sa manager's chair. Ito pala si Warren Florendo, ang makakapalit ng kanyang boss na si Jonnie Acosta!