Ang debate nina Bessie at Guiller sa boardroom ay malimit nauuwi sa personal na pagtatalo.
Nagkakainitan na sila nang biglang kumambiyo si Guiller. "Bess, let's get married."
Napangnga si Bessie. It was the strangest proposal she had ever received. "Why?" tanong niya.
"Well, kapag nagtatalo tayo, daig pa natin ang mag-asawa," katwiran ng lalaki.
Mahal ni Bessie si Guiller, ngunit marami pa siyang gustong gawin at nais marating. Nahahati ang loob ng dalaga. Alin ba ang kanyang pipiliin, ang nais ng utak o ang nais ng puso... ang ambisyon o si Guiller?