Labis na nasaktan si Lerie sa pagwawalang-bahala ni Ashen sa kanilang relasyon. After all ay pinilit niyang kalimutan ang mga sakit na tinamo sa binata, ang sakit na ginawa nito sa kanya at ang panloloko. Ngunit hindi niya inaasahan na magkikita silang muli, sa kasal ng kanyang pinsan na si Claire.
Ano kaya ang ginagawa roon ni Ashen? Makakaya pa ba ni Lerie ang mga titig ng binata na tila puno ng hinanakit sa kanya? Na parang siya pa ang may kasalanan ng lahat at ito pa ang may ganang magparamdam niyon gayong ito ang sumira sa magandang relasyon nila, nang-iwan at nanakit? Mapapatawad pa ba niya ito sa pangalawang pagkakataon kung ang puso niya ay hindi pa rin buo upang mahalin itong muli.