You are my first love, and youre going to be my last and true love. I love you very much
Lagi na lang bigo si Sabrina sa pakikipag-boyfriend kaya napagpasyahan niyang mag-research tungkol sa mga lalaki.
Nang dumating mula sa Amerika ang kababata at dating manliligaw na si Peter ay halos malaglag ang panga ni Sabrina nang makita ito. Hindi na ito ang tagihawatin at nerd na si Pedro. Tila kaharap ni Sabrina ang foreign actor na si Alec Baldwin nang mga sandaling iyon.
Parang gusto niyang lumuhod sa harap ni Peter at humingi ng tawad sa mga pang-aalaskang ginawa niya rito noon. Aminado si Sabrina na tila nagkagulo ang kanyang hormones nang masilayan itong muli.
Hanggang sa makabuo siya ng theory tungkol sa mga lalaki. Men are lovable.
Batid ni Sabrina na umiibig na siya kay Peter. Subalit ganoon na lamang ang panlulumo ni Sabrina nang malaman na mas interesado ito sa kaibigan niyang si Lynn.