“I love you when you stare at me because it gives me hope that you love me, too.”
Minsan nang na-in love si Olen, noong high school, kay Kervin Luistro. Naging close sila at hindi nagtagal ay umibig siya sa lalaki. Pero natatakot siya dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang isang araw ay magtapat si Kervin ng pag-ibig. Pero mula nang araw na iyon ay hindi na ito nagpakita.
Umasa si Olen na makikita niya itong muli. Naghintay siya ng ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, at ilang taon ngunit hindi pa rin nagpakita si Kervin. Hanggang sa napagdesisyunan niyang kalimutan na lang ito. Hindi na rin siya magtitiwala pang muli sa mga lalaki.
Maayos na ang lahat; malapit na siyang maka-move on nang bigla itong magpakita sa kanya. Ang sabi ni Kervin ay mahal pa rin siya nito. Babawiin daw ng lalaki ang nawalang espasyo sa puso niya. Papayag ba siya?