Sa pag-ibig, hindi hadlang ang magkasalungat na prinsipyo at simulain...
Napalapit ang loob ni Romina kay Ka Noriel, isang lalaking rebelde. Nang makababa siya sa bundok, pinilit niyang kalimutan ang lalaki at tinanggap ang pag-ibig ni Capt. Ranier Carlos. Ngunit sa kabila niyon ay nasa puso pa rin niya ang binatang rebelde.
Hanggang isang gabi ay dinalaw siya ni Ka Noriel. Kasunod nito ay dumating ang binatang kapitan. Ano ang gagawin ni Romina ngayong nagkaharap sina Capt. Carlos at Ka Noriel? Paano niya ipakikilala sa isat isa ang dalawa gayong ang mga itoy nabibilang sa magkalabang panig?