Dahil heartbroken, natagpuan na lamang ni Euphemia ang sarili sa isang bar, nagpapakalunod sa alak. Halos wala na siyang maalala dahil sa sobrang kalasingan. Kaya naman laking gulat niya nang paggising ay katabi niya sa kama ang nag-iisang anak ng kumare ng mommy niya.
Si Kevin Alfredo “Kei” Martini: ang lalaking itinuring at patuloy niyang itinuturing na kapatid at matalik na kaibigan.
Matalik ding magkaibigan ang mga pamilya nila kaya malamang na magbago ang lahat dahil sa insidenteng iyon. Itinakda ng dalawang pamilya ang pagpapakasal nila ni Kei.
Haharap ba siya sa altar kasama ang lalaking alam niyang katulad niya ay napipilitan lang din? O hahayaan na lamang nilang masira ang halos tatlong dekadang pagkakaibigan ng dalawang pamilya?