Dala ang pangakong hindi siya iibig hangga’t hindi siya nakakatapos ng pag-aaral, lumuwas sa Maynila si Shalaine upang tuparin ang kanyang mga pangarap. Ngunit hindi niya natupad ang pangakong iyon nang makilala niya si Mark.
Tinulungan niya si Mark para bumalik dito ang babaeng mahal nito. Hanggang sa na-realize niyang umiibig na siya rito. Nagsimula na ring umasa ang puso niya na balang- araw ay matututuhan din siya nitong mahalin.
Ngunit hindi dumating ang araw na iyon—dahil pinili pa rin nito ang babaeng mahal nito sa kabila ng lahat ng mga sakripisyong ginawa niya...