Pagkalipas ng anim na taon ay muling nakita ni Cassie si Sandro Rossi. Subalit hindi na ganoon ang itinatawag dito kundi Alessandro Marchese. Higit sa lahat ay hindi na siya maalala nito at maging ang gabing pinagsaluhan nila bago ito tuluyang nawala sa buhay niya.
Subalit nararamdaman pa rin niya ang atraksiyon dito. Kahit gusto niyang kamuhian ito ay ito pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.
Paano kung hindi siya mahal nito katulad ng sinabi nito noon? Pakiramdam kasi niya ay sinasadya nitong kalimutan siya dahil isa lang siyang pagkakamali para dito. Tama bang patuloy niya itong mahalin, o kalilimutan na lang niya ito gaya ng paglimot nito sa kanya?