Yes, I loved her, too, but I didnt realize until I saw you again that my heart can love only one woman. You.
Minsan nang nangahas si Reine na mag-propose ng kasal ngunit bokya ang inabot ng kanyang makabagbag-damdaming Will you marry me? Masamang-masama ang loob niya ngunit sobrang pathetic naman yata niya kung hindi pa rin siya nakaka-move on pagkalipas ng limang taon.
Reine firmly believes she is so over that horrible experience. May boyfriend na rin naman siyang bago at naniniwala siya na mahal niya ang nobyo at ganoon din ito sa kanya. Sa halip na magmukmok ay nagawa pa nga niyang pagkakitaan ang tungkol sa kasal sa pamamagitan ng trabaho niya bilang wedding stylist.
Okay na ang lahat sa buhay ni Reine hanggang sa magkaroon siya ng hindi inaasahang kliyentesi Anton, ang lalaking umayaw sa alok niyang kasal noon. Sa halip na tanggihan ang lalaki ay gustong gamitin ni Reine ang pagkakataong iyon para lalo niyang mapatunayan sa sarili na wala nang halaga sa kanya ang lalaki.
Ngunit iba ang napatunayan ni Reine. Totoo nga yata ang kasabihang first love never dies dahil sa muli nilang pagkikita ay napakabilis na nabuhay ang damdaming inakala niyang naibaon na sa limot. But like before; Anton seems not inclined to return her feelings. Again.