"I'm sure na magsisisi ka, dahil makasal ka man kay Julian, ang mga yakap at halik ko rin ang hahanapin mo..."
Ang motto ni Fiona sa buhay: mag-asawa ng milyonaryo at guwapo. But when she finally found her dream man, saka naman sumulpot sa eksena si Hendrick Moreno, makulit ngunit guwapo. A Handsome but mysterious guy.
Hindi inaasahan ni Fiona na sa enagagement party nila ng kanyang milyonaryong fianc na si Julian Zaavedra ay dudukutin siya ni Hendrick at sasabihin: "Sa akin ka magpapakasal."
Umurong sa kasal nila si Julian. Kaya't ganoon na lamang ang poot niya kay Hendrick. Dahil dito'y naunsiyami ang katuparan ng kanyang mga pangarap na abot-kamay na lamang sana niya.
Pumayag siya nang alukin siya ng kasal ni Hendrick. Pero para gumanti sa pagsira nito sa kanyang mga pangarap.
At sa oras sana ng kanilang honeymoon ay tumakas siya!