I will treasure the day you touched me, kissed me and loved me.
Tama na ang minsan ngunit walang-kapantay na karanasang kong iyon sa mga bisig mo...
Kontento na si Vikki na titigan, kausapin at halikan ang mga
posters ni Alejandre Ruiz - ang current heartthrob; ang pantasya
ng mga kolehiyala.
Sino ba naman siya para pansinin at mahalin nito na pinaliligiran
ng naggagandahang babae?
But never in her wildest dreams na magigising siya sa mapang-
angking halik ni Alejandre; na yakap nito ang hubad niyang katawan.
Matapos ang pangyayaring iyon, nakasilip siya ng kahit na maliit
na pag-asa sa puso ng binata. But to her dismay, parang hindi nito
naalala ang nangyari sa kanila. And worse, nagalit pa ito sa kanya
nang pagbintangan siya nitong sinisiraan ang girlfriend na si
Joyce na kung ganda at yaman ang pag-uusapan ay wala siyang
kalaban-laban.
Aniya sa sarili, ituturing na lamang niyang isang magandang alaala
ang gabing naranasan niyang angkinin ni Alejandre. Pero dahil sa
isang pangyayari, hiningi ng sitwasyon na magpanggap siyang
fiance nito...