Bakit masarap ang kaparusahang hinihingi ni Bradley? Ang pakasal siya rito?
"Have a dinner date with me, Alison, at bayad na sa pagkakautang niya sa akin si Trixie."
Hindi makapaniwala si Alison na isang dinner date lang ang hinihinging kabayaran ni Bladley sa halos isang milyong utang ng kapatid niya sa lalaki. Kusang-loob siyang nagbigay subalit hindi niya akalaing ang dinner date na iyon ay mauuwi sa pagbibigay niya ng sarili rito.
Kinamuhian niya si Bradley dahil doon. Alam niyang may galit ito sa pamilya niya noon pa mang maliliit pa silang mga bata. At maniniwala siyang ginamit silang magkapatid to level out an old score... ngayong mahirap na sila at si Bradley naman ang nakaaangat sa buhay.
Subalit pawang kabaitan at pagmamahal ang iginaganti ni Bradley sa katarasan at pagkamuhi niya. Kaya kayang pawiin ni Bradley ang apoy sa puso niya ng pagmamahal nito?