You became my ambition, to be mine forever.
May nahihimigan si Elena na kaduda-duda sa kanyang pagkatao. Lagi siyang dinadalaw ng mga kakatwang panaginip kung saan isang magandang babae ang tumakas pagkatapos nitong matuklasan ang kataksilan ng asawa nito. Sa kasamaang-palad, nasalubong ng babae ang isang malakas na bagyo at tinangay ng lumalaking tubig ng ilog
Isang araw, biglang sumulpot sa lugar nina Elena ang isang guwapong lalaking may kaakit-akit na biloy sa magkabilang pisngisi Adamat tinawag siya nitong Annielyn!
Matiyaga ito sa pagsunod-sunod sa kanya, at kung sa ibang pagkakataon ay mas pipiliin niya ito kaysa sa masugid na manliligaw niyang si Dante. Kung hindi lang isa ito sa mga taong nagpupursiging palayasin sila sa loteng kinatitirikan ng bahay nila