“Nakatatak ka na sa akin. Ang burahin ka sa puso’t isipan ko ay parang pagbura sa buong pagkatao ko.”
Hindi dapat mahalin ni Charlotte si Nate Ledesma. Dahil ang kagaya niya na dating pariwara ay hindi nababagay sa tulad ng binata na guwapo, mabait, may pinag-aralan, at galing sa isang magandang pamilya. Pero tanging sa piling lang ni Nate naramdaman ni Charlotte ang kaligayahang matagal na niyang hinahanap. Kaya ipinaglaban niya ang relasyon nila ni Nate. Tinutulan iyon ng mismong ina ng binata na may ibang babaeng gusto para sa anak.
Charlotte was hurt, pero hindi niya gustong mapahamak si Nate at masira ang ugnayan nito sa pamilya nang dahil sa kanya. Kaya handa siyang gawin ang isang bagay na labis na tinututulan ng kanyang puso—ang layuan ang binata.
Pero pinigilan siya ni Nate at sinabing handa itong ipaglaban siya, `wag lamang niya itong iwan…