“You’re my star, D. Ikaw `yong sinusundan ko kaya may direksiyon ngayon ang buhay ko.”c
Pagkatapos paasahin at bastedin si Racoon ng kababata at best friend niyang si Diana noong nasa high school sila, binuo na niya ang planong paghihiganti. At para makapaghiganti, kailangan ay maging isa siyang sikat na artista. Gusto niyang makita siya ni Diana sa mga TV show, sa sinehan, sa mga billboard, magazines, at kung saan-saan pang puwedeng ibalandra ang kanyang mukha at pangalan para pagsisihan ng dalaga ang pananakit sa kanya.
Fast-forward to nine years later, Racoon was now one of the country’s biggest stars. From being a painfully shy geek, he became the country’s most sought-after male actor. Nagbago siya ng strategy at sinamantala ang kasalukuyang sitwasyon ni Diana para gawin itong PA. Effective naman dahil naging close uli sila ng dalaga. Ngunit biglang nagbago ang isip ni Racoon. Mula sa paghihiganti, gusto na niyang ma-in love sa kanya si Diana. Diyata’t bumalik sa kanya ang kanyang plano?