“I want you more than any other woman. I don’t only want to kiss you. I want to own you.” Labag man sa loob ni Carmela ay kinailangan niyang bumalik sa Dubai para sa isang malaking assignment. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan at ayaw niyang magkrus uli ang mga landas nila ng lalaking ginusto niyang kalimutan sa loob ng anim na taon. Ngunit maliit talaga ang mundo. Muli silang nagkita ni Ahmir Nasser—ang kanyang dating boss. Taglay pa rin ni Ahmir ang mga katangiang kinabaliwan niya noon. Kung may nagbago man dito ay ang pagiging insistent nito na mapalapit sa kanya. Nakakatunaw ang mga titig nito. Nakakalusaw ng puso ang matatamis na salita ngunit hindi siya dapat magpadala dahil baka mawala sa kanya si Miko—ang kanyang anak na carbon copy ni Ahmir. Pero nakatakda na nga yatang maging magulo ang buhay na pinipilit ni Carmela na maging tahimik. Gustong magpakaama ni Ahmir kay Miko—gusto nitong kuhanin ang bata pero hindi siya. Dobleng sakit iyon para sa kanya—ang malamang hindi siya kayang tanggapin ni Ahmir kundi si Miko lamang.