| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Dahil sa malubhang karamdaman ng tatay ni Editha “Tetet” Binayog, sa halagang dalawang milyong piso ay pumayag siyang lumuwas sa Maynila mula sa Mountain Province para maging babymaker. Pero generous ang nag-hire sa kanya—ang magiging ama ng ipagbubuntis niya, si Luciano “Cian” Lepanto. Bukod sa dalawang milyong piso ay ipinagamot pa nito ang kanyang ama at binigyan sila ng bahay na matitirhan sa Maynila.
Suwerteng-malas kung tutuusin ang nangyari sa kanya. Umalwan ang buhay ng pamilya niya, pero umibig naman siya kay Cian, na natuklasan niyang isang notorious playboy pala.
Nang araw na nagkapira-piraso ang puso niya dahil sa binata, saka naman dumating sa buhay niya ang suwerteng matagal na niyang inaasam-asam. Tumama siya sa lotto! Tinakasan niya si Cian—dala ang anak nito na nasa sinapupunan niya—kahit na nakatali siya rito dahil sa pinirmahan niyang kontrata.
Nang magkita uli sila, hindi na siya nagulat na ganoon na lamang ang galit nito sa kanya. Ilalayo nito ang anak nila sa kanya dahil karapatan nito iyon. Pero bukod sa sakit na dulot ng isiping mawawalay sa kanya ang kanyang anak, tila napipinto ring mapulbos nang tuluyan ang puso niyang hindi niya mapigilan sa patuloy na pagtibok para kay Cian.